Aug 18, 2008

isang nais.

may naligaw na samyo ng ginisang bawang akong naamoy kanina, habang tumatawid ng EDSA at patungo sa trabaho. Mabuti na lang holiday (oo, may pasok ako) at madaling araw dahil nakalimutan kong bigla na nasa EDSA nga ako. Kaya nga kahit nabasa ko pang nakamamatay tumawid dito, isa lang nasa isip ko kaninang umaga. Tapsilog.

Busog ako pero eto na naman yung mga pagkakataon na yun, mga pagkakataon ng mga masidhing paghahangad sa wala na.

Di na ako makakatikim ulit ng tapsilog na ganun, na naamoy ko pa sa isipan ko ngayon. Kahit umuwi ulit ako sa Naga, at puntahan ko ang karenderya na yun (na kahit ang pangalan di ko na maalala). Wala nga pala yun kainan na yun, ginawa ng dorm ang lugar pero wala ng tapsilog na ganun, kahit magbukas at nandun pa yung kainan dahil nga iba ang tapsilog ng nakaraan. Iba ang halimuyak at lasa na naalala. Bawang, sinangag, pritong itlog at tapa. Apat lang na sangkap (walang atsara na kasama), pero di na makayang maulit ang nalasap nun.

Siguro ito rin ang dahilan kung bakit tiwala ako na kapag walang mapili sa menu tapsilog na lamang. Pamilyar ang lasa at yun na yun, na kadalasan may atsara ng kasama. Parang paggunita na lamang sa tapsilog ng nakalipas.

At dahil sa amoy ng bawang, tapsilog ang hapunan ko mamaya.

No comments: